Monday, December 5, 2011

kidnap my heart

Kidnap My Heart

Ako nga pala si Carlo, 16 years old, 4th year high school sa isang all boy school. Medyo malamya akong kumilos kaya naman tinutukso akong binabae daw. Pero di ko na lng pinapansin, kasi pag nag react ka mas lalaki pa ang issue at masasabi pa nilang guilty ka. Hindi ko nman makkaila na nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki pero pinipigilan ko ang sarili ko kasi sabi nila nagugulahan pa daw ako kung ano nga ba ako. Pero magbabago pala ang lahat dahil sa isang tao.

Malapit na Graduation, kaya nga tambak ang mga requirements at projects, running for honors pa naman ako. February na noon at kapag valentines day ay foundation day naman namin at open for outsiders kapag ganun. Sa araw ding yun, nagtayo kami ng booth ng mga friends ko, kasi saying naman, may extra points kasi pag nag participate ka to any activity, eh kesa ba naman sa sports ako sumali, eh wala akong talent dun, so booth making na lang. Marriage booth ang tinayo naming kasi alam naming na maraming mga babae at mga mag syota ang pupunta. Isa sa mga dinadagsa ang booth naming, may mga pares na okay lang, at yung iba pa ayaw-ayaw pa. Medyo kumukonti naring ang mga tao, kaya ayun nakatunganga na lang ako. Sa gulat ko na may biglang nag piring ng mga mata ko at dinala ako sa kung saan. Sa isip ko, “Blind date kaya ito? Eh, sino ba naman ang ipapares sakin?”

Ilang minute nang lumipas at medyo sumakit na ang aking mata kaya tinanggal ko na ang aking piring. Mali pala ako sa aking hinala, nasa kidnap for ransom pala ako. Pinagkaisahan pala ako ng mga kaibigan ko, nasa labas sila naghihintay. “Humanda kayo pag nakalabas ako dito!”, pasigaw kong sabi sa kanila.

Friends ko na sila since first year pa. May mga halata meron din naming kagaya ko na malamya lang. Pwede naman akong makalabas kung gugustuhin ko, pwede ko namang bayaran ang sariling ransome para sakin. Pero sa isip-isip ko baka may tutubos para sakin, pero sino? Tanong ko sa sarili ko. Malapit nang mag dilim kaya sinuyo ko na ang nagbabantay, “Uy! Palabasin mo na ako dito, wala rin namang tutubos sakin, at isa pa malapit narin namang matapos ang event”, pakiusap ko. “Edi bayaran mo sarili mong ransome”, sagot nya. Wala na akong magagawa kaya babayaran ko na lang ang sarili ko, pero bago ko pa madukot ang wallet ko eh biglang bumukas yung pinto, akala ko tinubos na ako ng mga kaibigan ko, yun pala may bagong kinidnap. Di ko mamukhaan kung sino kasi against the light at madilim pa sa loob. Isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa aking tenga, “Uy! Carlo ikaw pala yan.” Sabi ng pamilyar na boses. Kaya nilapitan ko sya, sa gulat ko si Adrian pala. Classmate ko rin sya since first year pa, pero hindi kami close. “Uy! Adrian ikaw pala, na kidnap ka rin pala?” tugon ko sabay tawa. “Oo nga eh, di ko nga alam kung sino nagpakidnap sakin” sabi nya. “Ako nga rin eh, kanina pa ako wala paring tumutubos sa akin” tugon ko. Bago pa sya mka sagot eh bumukas ulti yung pinto. “Adrian, may tumubos na sayo, mga kaibigan mo”, ani ng nagabababantay. “Yes!”, ang tanging nasabi ni Adrian dahil sa tuwa, di na nga nya nagawang magpaalam. “Sa akin may tumubos na ba?”, tanong ko sa nagbabantay. “Wala pa eh”, sagot nya. Medyo nalungkot at natameme, feeling ko parang mag isa na lang ako sa mundo. Nasa kalagitnaan ako ng pagsesenti nang binasag ulit ng tiga bantay yung katahimikan. “Carlo, tubos ka na!” sigaw nung tiga bantay. Pagkalabas na pagkalabas ko tinanong ko yung bantay kung sino tumubos sa akin, “Yun oh.”, sabi ng bantay sabay turo kay Adrian, sa di kalayuan na papalakad papalayo sa amin.

First year pa lang pansin ko na si Adrian, di naman maipagkakaila na may itsura si Adrian, kaso nga lang suplado. Sa simula pa lang may gusto na ako kay Adrian, hanggang lumipas ang tatlong taon at 4th year na kami, wala pa rin nakaka alam na may gusto ako sa kanya, hanggang sa simpleng pa tingin-tingin lang ako sa kanya.

“Adrian!”, pasigaw kong tawag sa kanya. Lumingon sya at smile lang ang ginanti. Parang nawala ako sa sarili dahil sa ngiting iyon. Nabalik lang ako sa katinuan nung tinapik ako ni Cris sa balikat, isa sa mga kaibigan ko na nagpa kidnap for ransom sa akin. Ginantihan ko rin sya ng tapik na mas malakas sabay sabing, “Gago kayo ah! Saan yung iba? Bat ikaw lang?”, tanong ko. “Sila? Ayun nasa booth nililigpit yung mga gamit”, sagot nya. Nang makarating kami sa booth, wala na sila, yun pala umuwi na. kaya umuwi na rin kami ni Cris.

Pagkauwi ko ng bahay, di parin mawala sa isip ko ang ngiting iyon ni Adrian at ang mga tanong, “Bakit kaya ako tinubos ni Adrian?”, at yung na ang kinatulugan ko. Kinabukasan, excited akong pumasok, excited kasi mabibikwasan ko ang mga pasaway kong mga kaibigan at syempre makikita ko is Adrian. Nang makarating ako sa school deretso agad ako sa room.

“Ano, okay ba yung plano natin kahapon? Napagsama natin sina Carlo at Adrian.”, sabi ni Gino, isa sa mga kaigan ko. Dinig ko iyon sa may labas ng room kasi patago akong papasok habang minamasdan sila galing sa labas. “Paano? Paano nila nalaman na may gusto ako kay Adrian?”, tanong ko sa aking sarili. Kaya dali-dali akong pumasok at pinagbabatukan sila, di rin naman sila gumanti at sa halip, tumawa na lang. “Oh, musta ang pagiging Hostage? Nag enjoy ka ba?” tanong ni Cris. “Naman, nag enjoy yan.”, gatong pa ni Gino. “Kung sya nag enjoy, tayo rin nag enjoy. Haha”, pahabol ni Elton, isa pa sa kaibigan ko. “Enjoy? Sinong mag eenjoy kung makulong ka ng ilang oras?”, sagot ko. “Sus, kunwari ka pa! Alam na naming, noon pa!” pagkumpronta ni Gino. “Anong alam nyo na?” kaila ko. “Hay naku! Kahit nung first year pa tayo pansin na naming, kung hindi mo sya gusto, magagawa mo bang matitigan sya ng matagal at naka ngiti ka pa?” pang-iinis ni Elton. “Tumahimik nga kayo! Di naman yan totoo!” kaila ko ulit. “Sus! Kahit ikaila mo man yan, alam na naman ni Adrian na gusto mo sya. Haha” pambabara ni Cris. Nagitla ako at natulala. “Ha? Alam na nya? Bakit!? Kailan pa?”, tanong ko sa sarili ko. Nabasag lang yung katahimikan ng dumating na ang teacher sa first subject. Wala parin ako sa sarili habang silang mga kaibigan ko parang baliw sa kakangisi at kakatawa.

Habang may klase wala ako sa sarili, puno ako ng mga katanungan sa isip ko. Natigil lang yung nung tinawag ako ng teacher ko, “Mr. Cruz, is there any problem? You seems like you’re not in your self today.” Tanong ng aking teacher. “Sorry, ma’am, I’m just sleepy.”, palusot ko. Malapit nang matapos ang araw ko nang mapansin ko na walang Adrian na sumulpot ngayong araw. Nalungkot ako pero sa isip ko, okay lang siguro may practice lang at bukas andyan na sya. Pero kinabukasan at sa sunod pang mga kinabukasan eh wala pa ring Adrian na nakikita.

“Alam naming malungkot ka kasi wala si Adrian ngayong mga nakalipas na mga araw.”, bungad ni Gino. “Adrian na naman?”, kaila ko. “Sus friend! No need to deny na. Okay lang yan.”, dagdag pa ni Elton. Di ko na napigil ang aking sarili at wala na kong nagawa kundi ang maiyak. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil sa pagkakamiss ko kay Adrian dagdagan pa ng nakahanap ako ng karamay sa nararamdaman ko na nakakaintindi at malalabasan ko ng hinain. “Sige lang friend, iiyak mo lang yan”, sabi ni Elton habang hinahagod ang likod ko habang nakasandal ako sa balikat nya. “Bakit nga kaya wala si Adrian? May sakit ba sya? Aalis ba sya kasi nalaman nyang may gusto ako sa kanya?”, tanong ko sa kanila. “Yang ang di naming alam friend.”, sagot ni Gino. Wala na rin akong magawa kundi humagulgol na lng.

Makalipas ang isang lingo simula nung nag foundation day, wala pa ring Adrian na nagpakita, medyo nasanay na pero hindi pa rin nawawala ang katanungan na kung asan sya. Nang marinig ko ulit ang isang pamilyar na boses, “Excuse me, padaan.” Sa may pintuan kasi ako nakatunganga. Biglang bumalik ang aking diwa. Alam ko kung kaninong boses yun, kaya hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses. Sa gulat ko, si Adrian! “Padaan ha”, sabi ni Adrian sabay ngiti sa akin.

“Class, siguro nagtataka kayo bakit nawala si Adrian ng mahigit isang lingo, kasi dapat mag mamigrate na sila sa Canada ng family nya, pero mas pinili nya ang magpaiwan.”, paliwanag ng adviser naming. “Ha? Bat nagpaiwan sya?”, tanong ko sa sarili ko.


Kidnap My Heart part 2

by: Vic Anthony Sunga
“Bakit ba siya nagpaiwan? Sino nang magbabantay sa kanya? Tsk, baka dahil sa Girlfriend nya kaya sya nagpaiwan.” Sabi ko sa sarili ko. Mas gumulo pa ang isipan ko parang sasabog ang utak ko, kaya I excused myself from our adviser at pumunta ako sa CR. Nag kulong ako sa isang cubicle sa pinaka dulo, di ko alam nag gagawin, natutuwa ako kasi bumalik na si Adrian, pero di mawala sa isip ko na, alam na nya na gusto ko sya, wala akong mukhang maiharap sa kanya. Di ko namalayan ang oras quarter to 12 na pala. Bago pa ako makalabas sa cubicle kasi nakakaramdam na rin ako ng gutom, nang may narinig akong kumpulan na tao na papasok sa CR. “Uy pare, aalis na pala kayo papuntang Canada, bat nagpaiwan ka pa?” sabi ng hindi masyadong pamilya na boses. Sa loob-loob ko alam ko kung sino ang kausap nya, si Adrian, hinintay ko ang sagot nya medyo mtgal bago nka sagot si Adrian. “Dahil sa love pare, kasi parang di ko kaya malayo sa kanya”. Nang marinig ko iyon parang gumuho ang mundo ko, feeling ko babagsak ako pero hindi ko nman maigalaw ang katawan ko. “Wala ka namang girlfriend dba? O bka meron ka at di mo lang sinasabi?”, tanong ng kausap ni Adrian sa kanya. “Wag ka na nga pre, matuwa ka na lng at di ka nawalan ng bestfriend ditto sa school, bilisan mo na ang pag-ihi dyan at malapit nang mag lunch break”, tugon ni Adrian sa kausap nya. Nakalabas na ang dalawa ay parang wala parin ako sa sarili ko, pilit kong lumabas pero parang ayaw ng katawan ko. Nag ring na ang bell hudyat na lunch break na, dun lang ako bumalik sa katinuan, dali-dali akong lumabas at nagtungo sa room. Hinihitnay na pala nila ako, at inabot sa akin ang bag. “Oh san ka ba galing? Bat mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa? Dapat nga masaya ka kasi andito na si Adrian ulit”, tanong ni Gino. “Oo nga”, gatong pa ng ibang mga kaibigan ko. “Sus, nde ah masaya nga ako oh”, sabay unat ng bibig ko sa isang smiley shape. “Haha, oo na lang, para mawala yang lungkot mo ikain na lang natin yan, halina kayo sa canteen at baka magkaubusan na naman ng mga pwesto”, pag nayaya ni Cris sa amin.

Natapos na lunch, ang klase sa hapon, pilit kong chinicheer-up ang sarili ko. Tama sila dapat nga masaya ako kasi andyan na si Adrian ulit, ano naman ngayon kung alam na nya, sa kita ko naman wala syang paki alam, di naman sya galit sakin. Papalabas na kami ng room ng mga barkada ko nang inapproach kami ng bestfriend ni Adrian, si Dereck, sya pla yung kausap ni Adrian kasi nabosesan ko. “Uy, punta daw kayo mamaya sa bahay ni Adrian, magpapa celebrate sya kasi pinayagan syang manatili dito. Pinapasabi nya kasi nauna na sya at mag aayos pa sya dun. Susunod na nga ako pagkatapos kong sabihin ito sa inyo”, sabi ni Dereck. “Don’t worry imbitado lahat ng klase, nasabihan ko na sila kanina”, pahabol nya. “Cgeh2, maasahan nyo kami, dba guys?”, sagot ni Elton na parang sure na sure talaga. “Yes, oh ikaw Carlo dapat present ka tlgah, di bale susunduin ka naming para sugurado”, dagdag pa ni Gino.

Nakauwi na ako sa bahay, feel ko ulit yung lungkot na di ko maipaliwanag.” Pupunta ba ako kina Adrian? Nakakahiya naman ata, isa pa baka andun lang yung babaeng dahilan ng di nya pag alis”, mga tanong ko sa aking sarili. Nagising na lng ako sa ingay ng doorbell, nakatulog pala ako sa kakaisip. “Hoy Carlo, san ka na ba?”, sigaw ni Gino na mukhang inip na. Dali-dali akong bumaba para pagbuksan sya ng pinto. “OMG! Ano yan di ka pa bihis?”, gulat nyang tanong. “Nakatulog ako eh, di na siguro ako pupunta”, sabi ko sa kanya. “Anong hindi? Minsan lang to mangyari, ayaw mo pa nun makikita mo na ang loob ng bahay ng pinakamamahal mo?”, sagot nya na may halong tawa. “Anong nakakatawa? Seryoso ako, ayokong pumunta”, galit kong sagot. “Hay naku! Kung ayaw mong pumunta, kalimutan mo nang may friend ka na ang pangalan ay Gino!”, pananakot nya na sa tingin ko parang seryoso. “Grrr. Fine, pero sandali lang tayo dun ah?”, sagot kong napilitan. Yun nga, nag bihis na ako at umalis na kami. Dala ni Gino ang kotse ng tatay nya, medyo malapit lng pla yung bahay ni Adrian nasa kabilang subdivision lang.

“Oh, andito na tayo”, sabi ni Gino. Malaki ang bahay nila, pinababa nya ako ng kotse sabi nya maghintay lang daw ako kasi susunduin nya pa yung iba naming friends, aayaw sana ako pero kumaripas na ng takbo yung kotse kaya wala na akong nagawa, ayokong pumasok sa loob, sa labas lang ako ng gate nag hintay, ilang minute na akong naghihintay, masakit na yung paa at balakang ko sa kakatayo kaya nag doorbell na lng ako. Ilang sandali pa may nagbukas ng pinto, kita ko si Adrian, ang gwapo nya sa board short nya at sa sando nyang puti. “Sya lang ba ang tao? Saan yung iba?”, pag-aalala kong tanong sa sarili. Kinabahan ako ng todo, ano ba to parang di ko kaya. Papalapit na sya at wala akong magawa. Binuksan na nya ang gate at pinapasok ako. “Uy Carlo, bat ikaw lang? San sila?”, bungad ni Adrian sa akin. Di ako maka salita, nakasagot man ako pero pa utal-utal. Sinabi kong may sinundo lang si Gino at paparating na, at nakiusap ako if pwede ba akong mag stay sa terrace nila, masakit na kasi ang paa ko kakatayo sa kakahintay. “ Sus, bat pa sa terrace eh pwede naman sa loob, andun sila sa loob kumakain, pasok ka na at medyo malamig dito”, paanyaya ni Adrian sa akin. So wala akong nagawa kundi pumasok na lang, kahit na parang sasabog na puso ko sa kaba.

Tanging tunog ng pinto ang narinig ko nung nakapasok na kami sa loob ng bahay, ang una kong napansin eh yung interior ng bahay, ang ganda. Pero huli ko nang namalayan na walang tao. “Huh? Saan yung iba? Sabi ni Adrian andito lang sila”, pagtataka kong tanong sa aking sarili. Nagulat akong may humawak ng kaliwang kamay ko. “Ang lamig ah, kinakabahan ka ba?”, ang nakakagulat na tanong nya. Naguguluhan ako, surprised, di ko maipaliwanag, “Bakit walang tao? Bakit nya hawak hawak ang kamay ko?”, tanong ko sa sarili ko. Hinila ako ni Adrian papunta sa kanya, ngayon nkayapos na sya sa akin. Ramdam ko ang init ng katawan nya. Kinakabahan ako pero nangibabaw ang tuwa na kinikilig. “Bakit? Bakit?” ang tanging tanong ko sa sarili ko. “Carlo, bat ka ba malungkot? Kung malungkot ka malungkot rin ako. Kaya tama na, okay?”ani ni Adrian. Wala nang kalagyan ang kaba ko at parang na overdose na ako dito at nawala yung hiya ko, inangat ko yung ulo ko at nakita ko ang maamo nyang mukha na nakatitig sa akin. Kita ko yung sinseridad sa mata nya. “Nalungkot ako kasi di ka naging masaya nung sinabi ni ma’am na mag-istay na ako, di mo ba alam na ikaw ang dahilan bakit ako nagpaiwan? Ha?”, ang nakakagulat nyang rebelasyon. Parang gusto kong maiyak sa tuwa na hindi ko maipaliwanag, ginantihan ko na lng sya ng yakap, hinahagod ko ang likod nya na parang kinakalma sya. “Bat di ka magsalita? Simula pa nung first year tayo alam ko na may gusto ka sakin, alam ko ring tinitignan mo ko parati. Noon parang naiilang ako, pero kalaunan okay lang at nagugustuhan ko. May kakaiba akong nararamdan sa iyo Carlo! Kaya nga pinakausapan ko ang classmates at barkada mo na isetup tayo ngayon”, dagdag pa nya. Luminaw na sa akin ang lahat at di ko mapigilan ang mapaiyak. Hinawakan nya ang mukha ko at pinahid nya papalayo ang luha ko at sa di inaasahan, naramdaman kong dumampi ang labi nya sa noo ko. Nagulat ako, “Adrian…”, ang tangi kong nasabi. “Shhh…”, tahan na. Bumaba sa ilong yung halik nya at ang pinaka aasam ko, naglapat yung labi namin. Parang teleserye na huminto yung oras na tlgang gugustuhin mong wag nang matapos pa.

To be continued.

Kidnap My Heart part 3

by: Vic Anthony Sunga
Para akong nakukuryente, nanginginig ang tuhod ko, feeling ko matutumba na ako pero mas nanaig ang tuwa at pagnanais n asana ay mas tumagal pa ang pagdampi ng pinaka-aasam kong mga labi ni Adrian. Nagulat ako nang inalis nya ang pagkakalapat ng kanyang labi sa akin at bigla nyang inalis ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya, nalungkot ako. “Ayaw na ba nya? Nagsisi na ba sya sa ginawa nya?”, tanong ko sa aking sarili. Bago pa man ako manglumo ng lubusan, pagkatapos nyang matanggal ang pagkakayakap ko sa kanya ay kinuha nya ang dalawa kong kamay at nilagay sa kanyang may dibdib. Ramdam ko ang init at pagtibok ng kanyang puso habang nag-tititigan lamang kami. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang galak at senseridad, na para bang may gusto syang sabihin. “Adrian, okay ka lang ba? Baka lasing ka lang”, paglakas loob kong tanong at pilit akong lumayo sa kanya. Mas hinigpitan pa nya ang hawak nya sa kamay ko, nanglaban ako pero parang wala akong lakas, gusto ng isip ko na lumayo pero ayaw ng katawan ko. Niyakap nya ako ng mahigpit para hindi makalayo sa kanya.

“Siguro nga lasing ako, lasing ako sa pagmamahal ko sa iyo. Kung lasing man ako, hindi pa rin ito magbabago”, sabi ni Adrian na tila pilit akong pinapakalma. Nagulat ako sa mga sinabi nya, “Pe..pe..ro”, pa utal-utal kong sagot. “Ano ba Carlo!? Di mo ba ako gusto? Di mo ba alam na in relationship ako? Walang naka link dun, kasi ikaw lang ang hinihintay ko!”, mga salitang mga binatawan nyang nagpagitla sa akin. “Totoo ba ito? Si Adrian, na noon pa ay gusto ko na, nagtatapat ng pagmamahal na nararamdaman ko rin sa kanya”, mga tanong na umiikot sa isipan ko. “Adrian…”, tangi kong nasambit. “I love you! I love you, Carlo. Kung gusto mo ligawan pa kita bago mo ko sagutin, ikaw lang ang dahilan bakit andito pa ako sa Pilipinas ngayon. Ano, magsalita ka Carlo”, sabi nya na nanunuyo. “Oo, Adrian! Mahal rin kita, wag ka na ngang mag-isip ng kung ano jan. Since first until now, wala paring nagbabago sa feelings ko para sayo. Sa katunayan, mas pa ngayon”, lakas loob kong sagot sa kanya at parang automatikong gumalaw ang mukha ko at hinalikan sya. Nung una naglapat lang ang mga labi namin, pero sa gulat ko, gumalaw ang labi ni Adrian, he kissed me passionately, sinisipsip nya ang upper lips ko at ako sa lower lips nya. Wala ng paglagyan ang kasiyahan ko, at nakaakramdam narin ako ng pag-init ng katawan, nang biglang nilabas nya ang dila nya. “Anong gagawin ko? Hindi pa ako gaano eksperto sa paghalik?”, bigla kong naitanong sa aking sarili. Nilabas ko rin ang aking dila at sa gulat ko ay sinipsip nya ito. Tumagal kami sa ganoong ayos habang nakasandal sa may pintuan. Alam ko pareho kaming nag-iinit, hindi naman ito bago sakin kasi nakakanood rin naman ako ng mga x-rated na video sa mga porn sites. Dahil na siguro sa bugso ng damdamin, hinubad ko na ang puti nyang sando, ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang katawan, hinahaplos ko ang dibdib nya gamit ang dalawa kong kamay pababa sa tyan nya. Humahalinghing sya sa ginawa ko na nagbibigay ng mas lalong kasiyahan sa akin. Habang sya naman ay hinahagod ang likod ko, mas lalong nagiging mapusok ang halikan namin, kumawala sya sa pagkakahalik at hinalikan ang pisngi ko, tenga at ang kinakikilitian kong parte ang leeg, nakakakiliti sya na masarap. Humahalinghing ako ng medyo malakas at ramdam kong nasisiyahan sya rito. Hinuhubad na rin nya ang tshirt ko habang patuloy parin sya sa ginagawa nya. Nang matapos nyang hubarin ang shirt ko ay dali-dali nyang sinipsip ang utong ko. Dinidilaan nya ito na parang batang gutom na gutom. “ahhh, Adrian, ano yang ginagawa mo, ahhh, nakakakiliti”, sabi ko sa kanya, pero hindi nya ako pinansin, sinususo nya ang isa kong nipple habang yung right nipple ko eh nilalaro ng left hand nya. Lumalakas ng lumalakas ang halinghing ko, “ahhhh…Adrian sige pa”. tumagal rin ito salitan nyang sinususo ito, libog na libog na ako at init na init. Nagulat na lang ako ng hinila nya ako papalayo sa kinatatayuan namin. “Dito tayo sa may sofa, nangangawit na ang paa ko kakatayo”, pakiusap nya sa akin. Kitang-kita ko ang libog sa mukha nya na pinagpapawisan sya sa ulo at sa katawan nya, na mas nagbibigay ng appeal sa kanya. Sumunod na lng ako sa kanya.

Kidnap My Heart part 4

by: Vic Anthony Sunga
Medyo malaki yung sofa nila, pwedeng makahiga kahit tatlong katao. Umupo muna ako sa gilid ng sofa, umupo naman sya sa right side ko. Hinawakan ng kamay nya ang isang legs ko at hinihimas at unti-unting lumalapit ang mukha nya sa akin. “DING-DONG! DING DONG!”, nagising ako bigla at nahulog sa aking kama. “Hoy! Carlo, asan ka na? Si Gino to!”, pasigaw na tawag sa akin ni Gino. “Shit! Panaginip lang pala”, sabi ko sa sarili ko. Napalitan ng lungkot at paghihinayang ang libog na nararamdaman ko kanina. “Carlo, yuhoo. Mag sasapung minuto na ako dito. Tulog ka ba? Buksan mo na itong Gate”, pdabog na sabi ni Gino. “Oo na! Sorry nakatulog ako”, dungaw ko sa aking bintana.

Mag iisang taon na rin na ako lang ang naninirahan sa amin, kasi nadestino sina mama at papa sa may Cavite at may bahay kami doon. Hindi ko naman maiwan yung school, kasi nga graduating na at biglaan lng yung pagkaka relocate sa kanila. Umuuwi naman sila dito pag Sunday, minsan nga nakakligtaan nila, pero okay lang, di ko pa namn naranasan nag magutom. Habang pababa ako ng hagdan, feeling ko ramdam ko parin ang labi ni Adrian, yung mainit nyang katawan, yung amoy nyang naamoy ko lang pag dumadaan sya ng malapitan sa akin.

“Hay salamat, at nakalabas karin, pero ano yan at hindi kpa bihis at nka school uniform ka pa?”, gulat na tanong ni Gino. “Nakatulog nga diba? Sus, pasok ka nga muna kanina ka pa pasigaw-sigaw”, tugon ko kay Gino. Pagkapasok namin parang naulit lang yung nasa panaginip ko. “Ano ito deijavu? Sana nga..”, sabi ko sa aking sarili na may halong pag-aasam na sana magkatotoo yun. Pero mali pala ako, pagkarating namin, marami nang sasakyan sa labas at marami na ring tao sa may terrace nila. Iba ang bahay na nasa panaginip ko, pero hindi nman nagkakalayo sa laki, sadyang iba lang sya. Yung mood na pagkasabik eh napalitan ng lungkot. Pinababa na ako ni Gino kasi susunduin daw nya sina Elton at iba pa. Nung una nagpumilit akong sumama kasi iiwan nya daw ako, pero kalaunan medyo nagdadalawang isip na akong sumama kasi nasa isipan ko na baka may chansang magkatotoo yung panaginip ko. Pina-alis ko na lng si Gino kahit na wala ako, sa labasan na lang ako tumambay, sa may gate nang nakita pala ako ni Dereck at pinagbuksan ako ng gate. “Uy, pasok na, kanina ka pa ba? Bat ikaw lang mag isa?”, paanyaya nya sa akin. “Sinundo pa ni Gino yung iba eh, nagpaiwan na lng ako baka di na sila magkasya”, sagot ko. Pumasok na ako, di ko pa nakikita si Adrian, siguro nasa loob pa. Halos mga soccer player sa school yung nakikita ko, at yung iba mga barkada nya sa classroom. Medyo nahihiya akong nagpatuloy sa paglalakad patungo sa terrace. “Wag ka na ngang mahiya Carlo, parang iba nman kami sa iyo. Kung naiingayan ka pwede ka naman sa loob, nagiinuman kasi kaya maingay, pasok ka lang mga girls ang anjan, ayaw kasing uminom”, suwestyon ni Dereck sa akin. Talaga naman talagang maingay sila at wala rin ako sa mood para mkipag halubilo sa ngayon. Di naman ako supladong tao, pero talagang hindi ko feel sa ngayon. Pumasok ako na umaasang andyan si Adrian, naghihintay, at magtatapat sa akin gaya ng sa panaginip ko. Pero pagbukas ko may ilang kalalakihan at meron din namang mga babae, siguro mga magsyotang gusting mapag isa. Ibang-iba sa panaginip ko ang itsura ng loob ng bahay, maganda parin sya kaya nga lang nakaklungkot isiping parang nawawalan na ako ng pag-asa n asana ay magkatotoo man lang iyong panaginip ko. So lumabas na lang ako ulit at piniling makahalubilo yung mga kaibigan ni Adrian.

“Asan nga kaya si Adrian? Bakit wala sya?”, tanong ko sa aking sarili. “Oh, Carlo tagay ka muna”, alok ni Dereck sa akin. “Di ako umiinom Dereck eh”, tanggi ko. “Sus! Eto naman ngayon lang, di yan mapait mix drink yan, di mo malalsahan ang pait”, panunuyo nyang uminom ako. Napilitan na lang ako, respeto kung baga. Iilan lang ang kainuman ko, kasi kumpol-kumpol, yung sa amin mga classmates ko, at yung sa isang grupo eh yung ka team mate nya sa soccer. Nkaka ilang shot na ako at wala paring Adrian na nagpakita at yung mga Kaibigan ko eh wala parin. “Asan na ba sila? Asan ka na Adrian?”, tanong ko sa aking sarili. “Oh mukhang malalim ang iniisip mo dyan Carlo?”, tanong sa akin ni Michael, classmate ko, barkada rin ni Adrian, kung ikukumpara ko silang talong magbabarkada, si Michael ang pangalawa sa kanila, siyempre si Adrian parin ang akin. “ah, nagtataka lang ako bat wala pa yung friends ko”, sagot ko. “Naku, itagay mo na lng yan Carlo”, tugon ni Michael sabay abot ng shot glass. Inaabot ko yung shot ko nang mapansin kong di matanggal ang pagkatitig sa akin ni Michael. Nakakaramdam ako ng kakaiba sa kanya, di naman kami close. Natatakot ako pero parang hindi naman iyon ang ibig nyang iparamdam.

Kidnap My Heart part 5

by: Vic Anthony Sunga
Binalewala ko na lang ang mga titig ni Michael. Inisip ko na lang na baka lasing lang. Nakakramdam narin ako ng pagkahilo nang tumunog ang phone ko. Nag text si Gino, “Friend, sorry di na ata kami makakapunta, si Elton kasi gustong magpasama kasi may imemeet syang nakilala nya sa facebook, delikado na, pero iakw safe ka namn jan di ba? Ingat ah. See you sa school sa Monday”. Matapos kong basahin ang text message, biglang may bumusina sa labas. May bumaba sa kotse, si Adrian pala, at may naaninag akong katabi nya sa may front seat, sa isip ko bka friend nya lang na tga soccer team. “Dereck, pakibukas naman yung gate”, tawag ni Adrian kay Dereck. “Sure pare, No problemo!”, sagot ni Dereck na halatang medyo lasing na. Nakapasok na yung sasakyan sa may garahian, unang bumamaba si Adrian, sumunod nman yung nsa front seat. Sa gulat ko, babae pala. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nalungkot ako na naiinis na para bang nag-seselos, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman, di ko alam ang gagawin. “Sino ang babaeng yan? Ano na ang gagawin ko?”, tanong ko sa sarili ko. Bago pa man makalapit sina Adrian at yung babae ay dali-dali na akong umalis, hindi na ako nagpaalam, wala na akong paki-alam kung anong isipin nila. Mas gusto ko pang umalis kesa na mas masaktan kung mananatili pa ako roon.

Nakalabas na ako sa subdivision, hingal ako sa pagtakbo. Kung umaga iyon cguro pagkakamalan akong baliw o di kayay magnanakaw na gustong makapuslit. Umupo na lang muna ako sa waiting shed at nag muni-muni. Ilan pang minuto nang medyo humupa na ang aking nararamdaman, medyo nawala na ang aking kalasingan nang may umupo sa aking bandang kanan at hinawakan ako sa balikat, para akong robot na nkapagsabi ng, “Adrian?”. Umaasa akong si Adrian nga yun, agad akong lumingon pero sa laking gulat ko si Michael. “Bakit sya andito? May nag-utos ba sa kanya?”, tanong ko sa sarili ko. “Michael, bat ka andito? Sinong nagpapunta sa iyo dito?”, agad kong tanong sa kanya. “Puro ka na lang Adrian, Carlo!”, pasigaw nyang sabi sa akin. “Anong problema nitong taong to?”, pagtataka kong tanong sa aking sarili. “Puro ka na lang Adrian, paano ako?”, patuloy nyang paglalahad. “Anong nangyayari sayo Michael? Tama na nga Lasing ka na!”, bulyaw ko sa kanya. “Carlo, gusto kita, di mo ba pansin? Siguro nga hindi mo pansin kasi busy ka kay Adrian, si Adrian na lagi mong pinagmamasdan. Tinitignan mo sya na habang ako ay pinagmamasadan ka”, sabi nya sa akin na para bang maiiyak na. “Michael ano ka ba, lasing ka lang”, tugon ko sa kanya. Sa gulat ko ay nakalapat na ang kanyang mga labi sa akin. Crush ko rin si Michael pero mas si Adrian, kahit sino cguro ay magakka crush kay Michael, kahit yung mga kabarkada ko eh nababaliw kay Michael. Kahit na ganoon, naitulak ko sya dahil sa gulat. “Ano ba! Manhid ka ba? Di mo ba nakita na may Girlfriend na si Adrian? Di ba yun ang dahilan kya kumaripas ka ng takbo?”, sumbat ni Michael sa akin. Lalong tumatak sa isipan ko ang mga katagang ‘may girlfriend na si Adrian’ natahimik ako at gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Isang mahigpit na yakap ang ginawa ni Michael. “Carlo, bigyan mo ako ng pagkakataon na iparamdam at ipakita sayo na mahal kita!”, sabi ni Michael habang cinocomfort ako. Nanatili akong tahimik, nag-iisp ako pero walang pumapasok sa utak ko, basta ang alam ko nasasaktan ako. Biglang hinawakan ni Michael ang magkabilang pisngi ko at hianrap sa mukha nya, “Carlo tignan mo ang mga labi ko, ‘I love you’, mga katagang gusto ko sanang marinig kay Adrian. At hinalikan nya ako pagaktapos nyang sabihin ang mga katagang yun. Siguro ay dahila na rin sa nka inom kami ay wala kaming paki-alam kahit na sa gilid pa kami ng kalsada naghalikan, gumanti rin ako sa halik nya, di ko maipaliwanag pero masaya ako kasi kahit papano may nagmamahal sa akin. Naisip ko na siguro si Michael talaga ang para sa akin. Tumagal rin ang aming halikan ng ilang minuto. Nararamdaman kong nag-iinit narin sya, pero ibglang nag ring ang fone nya, rinig ko ang boses na galing sa phone nya, si Adrian. “Asan ka na Michael? Nasundan mo na ba si Carlo?”, rinig ko sa phone ni Michael. Bago pa man ako makarinig ng ilan pang mga salita eh nag excuse na si Michael. “Bakit tumawag si Adrian kay Michael at tinatanong pa na if nakita na ba nya ako?”, tanong ko sa aking sarili na medyo naguguluhan. Ang naisip ko na lng na, siyempre sinong hindi magtataka na umalis akong bigla ng walang paalam.

To be continued…




No comments: